Breaking: Banggaan ng 10 na sasakyan sa SCTEX; 4 sugatan


ADVERTISEMENT

Apat ang sugatan sa naganap na karambola ng 10 sasakyan sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTex) Sabado ng umaga habang marami ang bumabiyahe pauwi bago mag-Pasko.



Ayon sa SCTex Traffic Control, naganap ang aksidente alas-8:42 ng umaga sa northbound side ng expressway.

Kasalukuyan na umanong naitabi ang mga sangkot na sasakyan para hindi na magsikip pa lalo ang daloy ng trapiko.

Tatlo sa apat na sugatan, dalawang babae at isang lalaki, ang naasikaso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Tarlac. Pawang nagpahatid na ang mga ito sa Angeles University Hospital.

Panoorin:



via: Abs Cbn NEWS

ADVERTISEMENT
Share on Google Plus

About Ellen

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Google Analytics